Limang NCR LGUs, bumaba na sa ‘low risk’ status sa COVID-19 – OCTA
Bumaba na sa ‘low risk’ status sa COVID-19 ang limang lugar sa National Capital Region (NCR), ayon sa OCTA Research.
Sa Twitter, sinabi ni OCTA Research fellow Guido David na kabilang dito ang Caloocan, Pateros, Navotas, Taguig, at Marikina.
“Caloocan, Pateros, Navotas, Taguig and Marikina are now classified as low risk as their ADAR decreased to less then 10 (moderate) and positivity rate improved to 9.6% (moderate),” saad ni David.
Base inilabas na datos, mababa na rin ang reproduction numbers at healthcare utilization rates sa mga nabanggit na lugar.
Samantala, nananatili naman sa ‘moderate risk” ang buong Metro Manila ngunit malapit na ring bumaba sa ‘low risk’ category.
“Several other LGUs in the NCR are under moderate risk but are close to being classified as low risk,” dagdag nito.
Kasabay ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa, patuloy nitong hinikayat ang publiko na sundin ang health protocols.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang February 7, nasa 116,729 pa ang bilang ng aktibong kaso sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.