PNP, kinondena ang pagkamatay sa isang pulis sa Samar

By Angellic Jordan February 08, 2022 - 10:53 AM

PNP photo

Kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng isang pulis sa Northern Samar.

Nasawi si Police Lieutenant Kenneth Tad-awan nang maka-engkwentro ang mga komunistang terorista habang nagpapatrolya sa bahagi ng Barangay Look sa bayan ng Lapinig, Lunes ng madaling-araw.

Nagparating ng pakikidalamhati si PNP Chief General Dionardo Carlos sa naiwang pamilya ng pumanaw na pulis.

“We extend our deepest condolences to the family of Police Lieutenant Tad-awan, rest assured that we will immediately provide the needed financial support and other social benefits for his family,” saad nito.

Dagdag ng PNP Chief, “Nabawasan man ang ating hanay ng isang magiting at tapat sa tungkulin na alagad ng batas, tayo sa Pambasang Pulisya ang magtutuloy ng kanilang laban kontra karahasan at insurhensya upang bigyan saysay ang buhay na inalay nila para sa kapayapaan ng ating bayan.”

Nagkasa naman ng joint police ang military pursuit operations laban sa lokal na teroristang grupo upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng komunidad sa naturang bayan.

TAGS: DionardoCarlos, InquirerNews, Kenneth Tad-awan, PNP, RadyoInquirerNews, DionardoCarlos, InquirerNews, Kenneth Tad-awan, PNP, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.