Park So Dam, naka-recover na sa COVID-19 habang nagpapagamot para sa thyroid cancer
Gumaling na ang South Korean actress na si Park So Dam sa COVID-19.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kaniyang agency na Artist Company na kasabay ito ng pagpapagaling niya sa papillary thyroid cancer.
Sinabi nito na matapos sumailalim sa surgery, pabalik-balik si So Dam sa ospital para sa regular treatments.
Nang dumaan sa PCT test, lumabas na positibo sa nakahahawang sakit ang aktres.
Sa ngayon, tapos na ang quarantine period ng aktres.
Nakilala si So Dam sa kaniyang ginampanang role sa Oscar-winning movie na “Parasite.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.