184 pang overseas Filipino, gumaling na sa COVID-19
May 141 pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang February 7, nasa 24,909 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 106 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 8,721 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
184 naman ang bagong gumaling kung kaya 14,728 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Isa naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,460 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 13,462 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,662 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 1,088 naman ang kaso sa Americas at 6,697 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.