Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa na niyang iwan at ipasa ang tungkulin sa susunod na magiging lider ng bansa.
“Nag-iimpake na nga ako eh. ‘Yung iba ipinadala ko na, ‘yung madala sa barko, binarko ko. You know the small things, ‘yung mga tokens, ‘yung mga bronze, ‘yun ang inuna ko, ‘yung mga mabigat,” saad ng pangulo sa Talk to the People, Lunes ng gabi (February 8).
Handa na aniya niyang iwan ang Malacañang at salubungin ang susunod na mamumuno sa bansa.
“I await the day of turnover. Matikman ko rin ‘yung feeling ng outgoing president. I will be the one to meet the new president, then I will invite him here for a tete-a-tete,” aniya pa.
Umaasa ang Punong Ehekutibo na makakaalis siya ng Malacañang sa Maros.
Hindi na rin aniya siya matutulog sa Malacañang.
“Nag-iimpake na po ako. I have a little over 3 months, so I should be out by March, hindi ko na paabutin ng Abril. Hindi na rin ako matutulog dito. Kung saan dalhin ng Panginoong Diyos, magpraktis na ako ng tulog doon,” saad nito.
Sinabi ng Pangulo na pupunta na lamang siya sa Malacañang araw-araw para gampanan ang tungkulin hanggang sa matapos ang kanyang termino.
“Magpunta na lang ako dito for day-to-day trabaho, what’s left of the things we have to work on,” ani Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.