Isolated case lamang ang pekeng bigas

July 12, 2015 - 08:06 AM

bigas
Inquirer file photo

Pinahihinahon ng National Food Authority ang publiko sa posibilidad ng pagkalat ng synthetic rice o pekeng bigas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NFA Administrator Renan Dalisay na isolated case lamang ang nakitang pekeng bigas sa isang tindahan sa Davao.

Ayon kay Dalisay, makalipas ang labinganim na araw na inspeksiyon sa mga warehouse sa buong bansa, iisang kaso lamang ang nagpositibo.

Maari aniyang contaminated lamang ang bigas dahil sa mishandling o hindi kaya ay may gustong manabotahe lamang.

“Walang dapat na ipangamba ang publiko, hindi dapat mag-panic o alarma, pero dapat pa rin na maging vigilant ang publiko,” pahayag ni Dalisay.

Dagdag ni Dalisay, kung mayroon mang positibong naidulot ang pagkalat ng balitang pekeng bigas, ito ay naging alerto at naging mapagmatyag ang publiko. “Maganda ang issue na ito dahil nagkaroon ng consciousness ang publiko,” pagtatapos ni Dalisay./Chona Yu

TAGS: fake rice, nfa, Radyo Inquirer, fake rice, nfa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.