Pilipinas, nakapagtala ng 6,835 na bagong kaso ng COVID-19

Nasa 6,835 ang napaulat na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Lunes ng hapon (February 7), pumalo na sa 3,616,387 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 116,720 o 3.2 porsyento ang aktibong kaso.

7,806 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 103,900 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,184 ang moderate, 1,495 ang severe, habang 335 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 12 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 54,538 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 16,330 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,445,129 o 95.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...