Infinite Radio sa Calbayog City, pinatunayang patok pa rin ang industriya ng radyo

By Chona Yu February 05, 2022 - 12:39 PM

Pinatunayan ng bagong bukas na himpilan ng Radyo sa Calbayog City na hindi pa rin nalalaos ang industriya ng Radyo sa Pilipinas.

Ito ay makaraang dumugin ng kanilang listeners ang unang anibersaryo ng Infinite Radio, 92.1 MHz. sa Calbayog City.

Halos 300 katao na pawang mga masusugid na tagapakinig ng Infinite Radio ang dumagsa sa Joggers covered court sa Barangay East Awang, araw ng Biyernes, February 4, 2022, para dumalo sa naturang selebrasyon.

“I guess you just need to offer a good and quality programming that is relevant to listening public so that they will listen and support your station in a regular basis, and off course you must be consistent with it,” pahayag ni Ricky Brozas, station manager ng naturang radio station.

Ang IR Calbayog ay isang local radio station na pinagkalooban ng provisional authority ng National Telecommunications Commission (NTC) na mag-operate ng 1,000 watts Effective Radiating Power(ERF) sa lungsod ng Calbayog.

“Ang kagandahan sa Infinite Radio ay locally produced ang mga programa namin, we decide on what programs we need to air to be able to catch the audiences from all walks of life,” dagdag ni Brozas.

“At siyempre dapat multi-media ang approach mo para ‘yung millennials eh nasasaklawan din ng iyong serbisyo, at dahil on-the go na ang tao ngayon, ibig-sabihin anywhere they are, anytime they wanted to consume an information e pede ka nila panoorin o balikan ang programa mo using their cellphones” tugon ni Brozas.

Si Brozas na siyang nagkonsepto ng mga programa sa IR Calbayog at siyang sole proprietor ng himpilan ay dating News Anchor/Reporter ng Inquirer Television at Radyo Inquirer sa Maynila.

“Malaking tulong na nakapagtrabaho ako in a National Media kasi dala-dala ko ang karanasan ko at mga natutunan ko sa halos dalawang dekada sa propesyon na ito, in fact nagpapasalamat ako sa Inquirer na talagang humubog sa kakayahan ko bilang isang mamamahayag,” wika pa nito.

Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad ay si Samar 1st District Rep. Edgar Mary Sarmiento, City Councilor Charlie Coñejos, Board Member aspirant Edward Clemens, at dating Spark Samar executive Rex Daguman at Jormac Tan.

Sabi ni Brozas, nakapag-ambag din siya ng trabaho sa lungsod ng Calbayog sa pamamagitan ng pag-empleyo ng news, technical at production personnel.

Kabilang sa DJ/Announcers ng IR Calbayog ay sina DJ Billie (Jeffrey Gabrino); DJ Totep (Joseph Jalalon); Kuya Ding (Rodney Marquez); DJ V (Aries Viray); DJ Kangee (Kristel Erika Tarre); Lady K (Kimberly Cambaya); DJ Seb, Stanley Brian Casio, Jason Obong, social media/technical head; Jemar Somino, Traffic and Sales Department Head; Ronan Torres, Broadcast Technical Consultant; Gina Dean, Program Consultant/Anchor; Donna Dominguez-Cargullo, Chief Correspondent; Faith dela Cruz, Malacañang correspondent; Lea Soriano, news producer; Jay-R Narit, Calabarzon correspondent.

Nabatid na halos 300 katao ang dumalo at nakiisa sa selebrasyon ng unang anibersayo ng IR Calbayog kasabay ng inagurasyon at blessings ng kanilang studios and offices sa 4th floor, Acaso building, Barangay Payahan Calbayog City.

Kanya-kayang bitbit naman ng mga napanalunan sa pa-raffle ang mga dumalo sa naturang event matapos ang motorcade.

TAGS: InfiniteRadio, InfiniteRadio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.