Mag-asawang biktima ng tanim-bala naka-byahe na sa U.S

By Den Macaranas May 14, 2016 - 09:27 AM

Tanim bala1
Inquirer file photo

Nakaalis na kagabi papuntang U.S sina Esteban at Salvacion Cortabista makaraan silang mabiktima ng tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 noong isang buwan.

Pasado alas sais kagabi, araw ng Biyernes, lumipad patungong Los Angeles California ang mag-asawang Cortabista para magpagamot si Aling Salvacion.

Bukod sa kanilang mga kaanak, kasama si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta sa mga naghatid sa mag-asawa.

Noong Biyernes ay sinampahan na rin ng kasong extortion ang ilang mga tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) ng NAIA dahil sa paghingi umano nila ng pera sa pamilya Cortabista.

Magugunitang hindi natuloy ang pagpunta sa U.S nina Esteban, 78-anyos at Salvacion Cortabista, 76-year-old dahil nakita sa X-ray scanner na may maliit na bala ng baril sa bag ng ginang.

Kaagad na itinanggi ni Cortabista na kanya ang bala at lalong luminaw ang kanilang hinala na ito ay set-up makaraan umano silang hingan ng pera ng ilang OTS personnel kapalit ng pag-areglo sa kaso.

TAGS: cortabista, NAIA, PAO, tanim bala, cortabista, NAIA, PAO, tanim bala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.