Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Sabado ng hapon (February 5), pumalo na sa 3,601,471 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 136,436 o 3.8 porsyento ang aktibong kaso.
7,069 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 124,476 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,106 ang moderate, 1,468 ang severe, habang 317 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Isa lang ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 54,214 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 22,539 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,410,821 o 94.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.