65 manggagawa sa Quezon City, nakatanggap ng bisikleta

Quezon City government photo

Nagkaloob ang Quezon City government ng mga bisikleta at helmet sa ilang manggagawa sa lungsod.

Sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan program, aabot sa 65 manggagawa ang nabigyan ng bisikleta at helmet sa bahagi ng District 4.

Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi nito, kasama ang iba pang opisyal sa lungsod.

Layon ng naturang programa na makatulong na magkaroon ng dagdag-kita ang mga manggagawa sa gitna ng hirap sa limitadong public transportation at iba pang problema sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Read more...