Bayanihan sa gitna ng pandemya, ipinakiusap ni Sen. Bong Go
Hinikayat ni Senator Christopher Go ang mga Filipino na ipagpapatuloy ang bayanihan sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.
Ito naman aniya ay kasabay nang patuloy na pagsusulong niya ng mga panukala sa Senado na ang layon ay pangalagaan ang kapakanan ng sambayanan.
“Sa halos dalawang taon ng pandemyang dala ng COVID-19, marami po tayong nakitang aspeto ng ating sistema na dapat mabigyan ng pansin tulad na lamang sa serbisyong medikal at pasilidad para sa mga mahihirap at malalayong komunidad,” aniya.
Ibinahagi niya na sa kanyang pagpupursige naaprubahan na ang kanyang panukala na pagpapasaayos at pagpapabuti ng mga pasilidad ng 15 lokal na ospital sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Isinulong din niya ang Senate Bill No. 2421 o ang panukalang COVID 19 Benefits and Allowances for Health Workers Act of 2021 para mabigyan ng ibayong suporta ang karagdagang benepisyo ang mga healthcare workers sa bansa.
Hiniling din ni Go ang kooperasyon ng mga nasa Ehekutibo, lalo na ang mga health offcials at finance managers, para matiyak na may mapapaghugutan ng mga pangangailangan ng mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.