6 dating opisyal ng DBM, kinasuhan ng graft dahil sa substandard na rubber boat

By Kathleen Betina Aenlle May 14, 2016 - 05:33 AM

Department-of-Budget-and-Management-DBM-logoNahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang anim na dating opisyal ng Department of Budget and Management.

Ito ay may kaugnayan sa pagbili ng mga sinasabing substandard na inflatable rubber boats para sa Philippine Navy na nagkakahalaga umano ng P3.456 milyon.

Dawit sa nasabing kaso ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan sina dating DBM undersecretary Evelyn Guerrero, dating DBM director IV Lourdes Santiago, DBM procurement officers Julieta Lozano at Mervin Ian Tanquintic, dating administrative assistant Alvin John Perater at dating technical working group ad hoc member Lt. Malone Agudelo.

Hinihinalang nakipagsabwatan umano sina Guerrero at Santiago sa mga taga-technical working group na ibigay ang kontrata sa kumpaynang JOAVI Philippines Corp. na ang pinong si Anthony Hernandez ay kasama rin sa mga nakasuhan.

Ang kontratang ibinigay sa JOAVI ay ang pagbili ng pitong inflatable rubber boats noong August 2010 na nagkakahalaga nga ng P3.456 milyon.

Sa JOAVI napunta ang kontrata kahit na hindi naman nito natugunan ang mga specifications na inilatag ng DBM para sa pagbili ng rubber boats.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.