Petrasanta, nakapagpyansa sa isa sa mga kasong graft laban sa kaniya

PetrasantaNakapaghain na ng pyansa si dismissed Chief Supt. Raul Petrasanta para sa kinakaharap niyang kasong graft sa Sandiganbayan 6th Division kaugnay ng maanomalyang courier service deal sa Philippine National Police (PNP) noong 2011.

Si Petrasanta, na dating pinuno ng firearms and explosives office ng PNP, ay nagbayad ng P30,000 para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Bukod kay Petrasanta, kasama rin sa mga nakasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si dating PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima at 10 iba pang opisyal.

Kinasuhan sila ng Ombudman sa Sandiganbayan dahil sa pagbibigay ng kontrata sa Werfast Documentation Agency Inc. nang hindi dumadaan sa public bidding at sa kabila ng kakulangan nito ng kwalipikasyon bilang isang courier service company.

Nahaharap rin si Petrasanta sa patong-patong na kasong graft sa iba pang dibisyon ng Sandiganbayan dahil naman sa maanomalyang pagbibigay ng lisensya sa mahigit isandaang unit ng AK-47 rifles.

Read more...