80% ng DepEd personnel, bakunado na kontra COVID 19
Apat sa bawat limang teaching at non-teaching personnel ang nabakunahan na ng proteksyon sa COVID 19.
Sa huling datos, 779,002 ng 970,730 personnel ng kagawaran ang naturukan na ng COVID 19 vaccines at tumaas ito ng 7.7 porsiyento kumpara sa naitala noong nakaraang Nobyembre.
“We are thankful to our teachers and personnel for their overwhelming support to our vaccination efforts. Our shared goal to get protected against COVID 19 will help us fast tracj our safe return to our classerooms,” sabi ni Education Sec. Leonor Briones.
Sa DepEd-Region 12 (SOCCSKSARGEN) naitala ang pinakamataas na bilang ng mga bakunadong kawani ng kagawaran sa 96.30%, sumunod ang DepEd-NCR na may 93.29% at ikatlo ang DepEd – Cordillera na may 89.41%.
May 156,299 pa ang nagparehistro na para sa bakuna, samantalang 49,152 na lamang ang hindi pa rehistrado.
Sa DepEd Central Office sa Pasig City, siyam sa bawat 10 kawani ang fully vaccinated na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.