Duterte admin nakapagtala ng 15.6% revenue effort – DOF

Sa limang taon ng administrasyong-Duterte, 15.6 percent ang naitalang revenue effort at pinakamataas ito sa higit dalawang dekada.

Sa ulat kay Finance Sec. Carlos Dominguez III, sinabi ng Domestic Finance Group ng Department of Finance, naabot ang datos sa kabila ng naging epekto sa pandaigdigang ekonomiya ng pandemya.

Sinabi ni ASec. Valery Brion kung walang pandemya maaring umabot pa ito, base sa kanilang pagtataya, sa 16.2 percent.

Nabanggit din niya ang nawala sa kita sa mga buwis ay P785.6 bilyon noong 2020 at P929.9 bilyon naman noong nakaraang taon.

Samantala, sa kasalukuyang administrasyon, ang average tax effort naman ay 14 percent mula 2017 hanggang 2021 at maaring umabot pa ito sa 14.8 percent kung walang pandemya.

Read more...