De Lima tiwala sa reelection bid kung mananalo sa laban kontra fake news
Naniniwala si Senator Leila de Lima na sigurado ang kanyang panalo at mahahalal muli bilang senador sa darating na Mayo kung mapapagtagumpayan niya ang sariling laban kontra sa mga fake news at maling impormasyon.
Patuloy na inaatake si de Lima at target ng fake news ng mga pro-Duterte troll farms at iba pang grupo.
“I rely on my campaign team and my close friends and supporters to mount a strong campaign not only to communicate my advocacies to all Filipinos but to also dispel all disinformation and fake news propagated by sinister forces who want to prevent me from returning to the Senate and foiling their corrupt and malevolent plans,” aniya.
Magugunita na noong nakaraang Hulyo matapos niyang inaanunsiyo ang kanyang reelection bid, kumalat ang fake news ukol sa pagkakatanggal niya sa puwesto.
Nang maghain naman siya ng kanyang certificate of candidacy (COC) kumalat agad na diskuwalipikado siyang kumandidato dahil nakakulong pa rin siya.
Sinabi nito na ang kanyang pangangampaniya ay iaasa na lang din niya sa kanyang pamilya, mga kaibigan at tagasuporta, gayundin sa social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.