Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Dionardo Carlos, naaresto ang mga wanted na indibidwal sa ikinasang police operations sa Western Visayas.
Sa naturang bilang, 70 ang tinukoy bilang Most Wanted Persons (MWPs) habang 300 naman ang Other Wanted Persons (OWPs).
Pinuri naman ng PNP ang dedikasyon ng mga PRO6 personnel sa kampanya ng pulisya.
Sa ulat ni PRO6 Director Police Brig. Gen. Flynn Dongbo, kay PNP Chief Carlos, mula sa 70 MWPs, lumabas sa datos na umabot sa 29 ang bilang ng naaresto ng Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO); sumunod ang Iloilo Police Provincial Office (IPPO) na may 16; Bacolod City Police Office (BCPO) na may 13; Iloilo City Police Office (ICPO) na may anim; Capiz Police Provincial Office (CPPO) na may apat; at Antique Police Provincial Office (AntPPO) at Criminal Investigation and Detection Group- Regional Field Unit 6 na may tig-isang personalidad na naaresto.
Narito naman ang bilang ng nahuling OWP: NOCPPO – 142; IPPO – 55; BCPO – 41; CPPO – 16; Aklan PPO – 14; ICPO – 11; AntPPO – 7; Guimaras PPO – 5 and Criminal Investigation and Detection Group- Regional Field Unit 6 – 14.
“Ituloy nyo lang ang inyong magandang sinimulan ngayong unang buwan ng taon 2022. Aasahan ko na sa darating na araw ay mas lalo pa ninyong paigtingin ang ating mga programa kontra kriminaldad, iligal na droga, insurhensya, korapsyon at kasama na ang pag aresto sa mga indibidwal na may pananagutan sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya,” saad ni Carlos.
Dagdag ng PNP Chief, “The challenge is to sustain our commitment to deliver our best in the performance of our respective duties especially now that we continue to fight the unseen enemy.”