Ayon kay Bacani, pinuntahan niya ang mga volunteers ng PPCRV para i-congratulate ang mga ito sa magaling na pagganap sa kanilang trabaho at tungkulin na bantayan ang mga boto.
Gayunman, ikinalungkot rin ni Bacani ang pagkasawi naman ng dalawa sa kanilang mga volunteers.
Isa sa mga nasawi ay si Eda Delia Olmida na tinambangan sa Pagadian City habang ibinabyahe ang election returns, habang ang isa pa na si Ninoy Lanuza ay inatake naman sa puso habang naninilbihan sa quick count noong Miyerkules.
Bilang tungkulin na protektahan ang boto ng mga mamamayan, ang PPCRV rin ang nag-rekomenda sa Commission on Elections na imbestigahan ang hindi otorisadong pagbabago ng Smartmatic sa hash code ng transparency server.