Lebel ng tubig sa Angat dam, nabawasan sa magdamag

By Angellic Jordan February 04, 2022 - 09:02 AM

Bumaba ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, nasa 196.97 meters ang antas ng tubig ng Angat dam bandang 6:00, Biyernes ng umaga (February 4).

Mababa ito ng 15.03 meters kumpara sa Normal High Water Level na 212 meters.

Nabawasan din ang lebel ng tubig sa La Mesa dam (78.99 meters); San Roque dam (257.92 meters); Pantabangan dam (200.81 meters); Magat dam (178.40 meters); at Caliraya dam (286.30 meters).

Nanatili naman sa 98.70 meters ang antas ng tubig sa Ipo dam.

Samantala, nadagdagan ang lebel ng tubig sa Ambuklao dam (742.63 meters); Binga dam (572.09 meters).

TAGS: dam, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, dam, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.