Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, mababa na sa 1,000

Nasa 52 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (February 4), 48,491 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 947 ang aktibo pang kaso.

230 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 47,417 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 127 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...