Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 388.20 milyon
Pumalo na sa 388.20 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 388,205,922 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 77,112,755 cases.
Sumunod na rito ang India na may 41,950,501 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 26,099,735 naman ang kaso sa Brazil habang 20,147,341 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 17,607,832
– Russia – 12,284,564
– Turkey – 11,940,695
– Italy – 11,348,701
– Germany – 10,543,318
– Spain – 10,199,716
– Argentina – 8,515,285
– Iran – 6,483,799
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,729,561 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 307,657,343 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.