Nanawagan si Senator Pia Cayetano sa mga kapwa mambabatas na suportahan ang panukala na layon magkaroon ng Center for Disease Control (CDC) sa bansa.
Iginiit ni Cayetano na lubhang napakahalaga sa Pilipinas na magkaroon ng ahensiya na may awtoridad para mapaghandaan, maiwasan, makontrol at matutukan ang mga nakakahawa, maging ang hindi nakahahawang sakit.
“If there’s one lesson we learned from this COVID 19 pande,icv, it’s the importance of being more prepared for other futire crises, including the possibility of another pandemic,” sabi pa ng senadora.
Kahapon, inisponsoran ni Cayetano ang Senate Bill No. 2505 o ang isinusulong niya na ‘Philippine Center for Disease Control and Prevention Act.’
Aniya sa nakalipas na dalawang taon, napagtanto ng mga Filipino ang pagkakaroon ng matatag na healthcare system para protektahan ang mga pamilyang Filipino sa mga sakit na nagsisilbing banta sa buhay.
Nabanggit pa nito na maging ang Center for Global Development ay sinabi na may mahigit 50 porsiyento na sa susunod na 25 taon ay maaring magkaroon muli ng global pandemic na kasingtindi ng COVID 19.