Walang kulay-pulitika ang Malasakit Center – Sen. Bong Go

By Jan Escosio February 03, 2022 - 10:16 PM

Sa pagkilala ni Vice President Leni Robredo sa kahalagahan ng mga Malasakit Centers, sinabi ni Senator Christopher Go na patunay lang ito na maraming natutulungan ang one-stop help center sa mga pampublikong ospital.

Diin pa ni Go na pagkilala din ito sa mga magagandang nagawa ng administrasyong-Duterte.

Nang mahalal na senador, ang pagkakaroon ng batas ukol sa Malasakit Center ang isa sa mga unang isinulong ni Go sa Senado hanggang sa maging batas ang Malasakit Center Act of 2019.

“Anuman ang kulay natin sa pulitika, sikapin nating maipalapit sa tao ang serbisyo mula sa gobyerno lalo na pagdating sa kalusugan. Napakaimportante nito dahil nasa gitna pa tayo ng pandemya,” sabi pa ng senador.

Sa isang panayam, sinabi ni Robredo na maganda ang nagagawa ng Malasakit Center at malaking tulong ito sa mga mahihirap na pasyente kayat sakaling mahalal, aniya ay ipagpapatuloy niya ito at palalawakin.

Sa ngayon may 149 Malasakit Centers na sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.