Mahigit 2,000 pamilya sa Maguindanao, nagsilikas dahil sa gulo na dala ng eleksyon

By Kathleen Betina Aenlle May 14, 2016 - 05:20 AM

maguindanaoNatatakot bumalik sa kani-kanilang mga tahanan sa Maguindanao ang nasa 2,354 na pamilya o 14,124 na indibidwal na nagsi-likas dahil sa panggu-gulo ng mga armadong kalalakihan sa kanilang mga lugar.

Lumikas ang libu-libong mga residente na karamihan ay mula sa Barangay Damasalak, Galakit, Inug-ug, Layog, Linandangan at Pagalungan Poblacion dahil sa gulo sa pagitan ng mga taga-suporta ng mga kandidato sa pagka-alkalde sa kanilang bayan.

Gabi bago mag-halalan, nagkasagupaan ang mga tagausporta nina Pagalungan Mayor Salik Mamasabulod at ng tumatakbo sa pagka-alkalde na si Datu Jimmy Matalam.

Ilang araw na ang nakalilipas pero nananatili pa rin sa mga evacuation centers tulad ng mga paaralan ang gma residente, habang ang iba ay nanuluyan sa kanilang mga kaanak.

Nangangamba pa rin kasi sila sa kanilang kaligtasan lalo’t bagaman nag-concede na si Matalam, hindi pa rin matanggap ng mga taga-suporta ang pagkatalo ng kanilang kandidato kaya patuloy ang paghahasik nila ng kaguluhan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.