Nakakaapekto pa rin ang trough ng low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao region.
Ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang naturang sama ng panahon.
Base sa forecast, malabong pumasok ang LPA sa teritoryo ng bansa.
Samantala, sa Silangang bahagi ng Luzon, umiiral pa rin ang Shearline na nakakaapekto sa lagay ng panahon sa Katimugang bahagi nito.
Sinabi ni Ordinario na patuloy na makararanas ng maaliwalas na panahon sa Metro Manila at nalalabing parte ng bansa, maliban lamang sa isolated light rains.
Wala namang nakataas na gale warning sa bansa, kung kaya’t malayang makakapagpalaot ang mga mangingisda.
MOST READ
LATEST STORIES