Pagtuturok ng COVID 19 vaccines sa mga edad 5 – 11 ipinatitigil sa korte

By Jan Escosio February 03, 2022 - 05:53 PM

Dalawang magulang ang hiniling sa isang korte sa Quezon City na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) para hindi matuloy ang pagtuturok ng COVID 19 vaccines sa mga batang edad lima hanggang 11.

Nais nina Girlie Samonte at Dominic Almerol na maglabas ang korte ng writ of preliminary injunction sa Department Memorandum No. 2022-0041 ng Department of Health.

Napabilang naman sa mga respondents sa petisyon sina Health Sec. Francisco Duque III, Health USec. Ma. Rosario Vergeire at ang DOH Public Health Services Team.

Tinulungan naman sina Samonte at Almerol sa kanilang petisyon ng Public Attorney’s Office (PAO) ng Department of Justice.

Sa social media, maraming magulang ang kontra sa pagbabakuna sa mga bata na nasa nabanggit na age category dahil na rin sa naging isyu sa anti-dengue vaccine na  Dengvaxia.

Wala pang inilalabas na pahayag ang DOH hinggil sa petisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.