Pagbabakuna sa mga edad 5 – 11 ipinagpaliban ng DOH

By Jan Escosio February 03, 2022 - 04:49 PM

Sa Lunes, Pebrero 7, na sisimulan ang pediatric vaccination ng mga batang may edad 5 hanggang 11, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa inilabas na abiso ng kagawaran, ang pagpapaliban ay bunga ng ‘logistical challenges.’

Nabatid na ang inaprubahang COVID 19 vaccines ng Pfizer ay bukas ng gabi pa lamang darating.

Kinakailangan din na matiyak ang maayos na pamamahagi ng gagamiting bakuna na inilaan sa nabanggit na age category.

Tiniyak naman ng DOH na itinuturing na kritikal ang pagbabakuna ng mga bata sa national vaccination program at para matiyak na may sapat din silang proteksyon laban sa nakakamatay na sakit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.