Panukalang gawing requirement ang COVID booster sa mga establisyemento sa NCR, pinalagan

By Chona Yu February 03, 2022 - 03:31 PM

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Pumalag si Dr. Ed Salvana, miyembro ng Department of Health – Technical Advisory Council sa panukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na gawing requirement ng mga establisyemento ang booster shots sa COVID-19 vaccine sa National Capital Region (NCR).

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Salvana na malayo sa panahon na mabigyan ng booster shot ang lahat ng tao, lalo’t marami pa ang hindi nabibigyan ng unang course ng vaccination.

Sinabi pa ni Salvana na pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan na maturukan ang mga hindi pa nababakunahan.

Sa ngayon, nasa 56.8 milyon pa lamang ang fully vaccinated sa Pilipinas.

Target ng pamahalaan na maging fully vaccinated ang 77 milyong Filipino sa katapusan ng Marso at 90 milyon sa katapusan ng Hunyo o ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: COVIDbooster, COVIDvaccination, COVIDvaccine, InquirerNews, RadyoInquirerNews, COVIDbooster, COVIDvaccination, COVIDvaccine, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.