Dating environment minister ng Norway, itinalagang bagong UNEP head

(AFP Photo/Janek Skarzynski)
(AFP Photo/Janek Skarzynski)

Itinalaga na ng UN General Assembly ang dating environment minister ng Norway na si Erik Solheim bilang bagong pinuno ng UN environment agency.

Pinagtibay ni Assembly President Mogens Lykketoft ang pag-apruba ng 193 na miyembro ng world body sa pagtatalaga kay Solheim para sa apat na taong termino niya sa ahensya simula sa June 15.

Si Solheim na ang papalit kay Achim Steiner ng Brazil sa nasabing ahensyang mas kilala bilang UNEP.

Sa ngayon, si Solheim rin ang pinuno ng committee on development assistance ng Organization for Economic Cooperation and Development na naka-base sa Paris.

Siya rin ang nagsisilbing envoy ng UNEP para sa environment, conflict at disaster.

Ayon kay Solheim, nais niyang ilapit ang UNEP sa mga ordinaryong tao ay mas pagitingin ang ugnayan nito sa mga pribadong sektor upang makamit ang global environmental goals.

Read more...