Pansamantalang isasara ng Makati City government ang vaccination site kontra COVID-19 sa lungsod.
Ito ay para bigyang daan ang Bar examinations.
Simula Pebrero 4, sarado muna ang vaccination site sa Fort Bonifacio Elementary School para bigyang daan ang Bar exam na gagawin sa University of Makati.
Agad din naman aniyang bubuksan ang pagbabakuna sa naturang lugar sa Pebrero 5.
Una rito, nag-abiso na ang Makati City government na sarado muna ang kahabaan ng J.P. Rizal extension mula sa Buting hanggang sa Lawton Avenue sa Pebrero 4 at 6 para sa Bar exam.
MOST READ
LATEST STORIES