200 pulis, itatalaga sa tatlong unibersidad sa Cebu City para sa Bar exam

By Angellic Jordan February 03, 2022 - 02:25 PM

Magtatalaga ang Cebu City Police ng 200 tauhan sa tatlong unibersidad para sa pilot implementation ng Bar examination sa labas ng Maynila sa February 4 at 6, 2022.

Kabilang dito ang University of Cebu sa Banilad, University of San Carlos-Main, at University of San Jose Recoletos-Basak Pardo.

Sisimulan ng PNP ang deployment ng PNP personnel bandang madaling-araw ng mga nasabing petsa upang masigurong maipapaalam sa mga motorista sa bisinidad ng mga campus ang temporary road closures.

Paliwanag ng Cebu City Police Office, humiling ang administrators ng mga nasabing paaralan na iwasang magkaroon ng ingay sa labas ng mga classroom na gagamitin sa Bar exam.

“We also discourage send-offs of the exam takers to avoid any gathering or convergence of people. We have to focus on how we can conduct the bar exams in a safe and peaceful way,” saad ni PNP Chief General Dionardo Carlos.

Paalala naman sa examinees, istriktong sundin ang health protocols bago, sa kasagsagan at pagkatapos ng eksaminasyon.

TAGS: 2022BarExam, BarExam, DionardoCarlos, InquirerNews, RadyoInquirerNews, 2022BarExam, BarExam, DionardoCarlos, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.