Gobyerno, dapat unahin ang tulong sa mga mangingisda

By Angellic Jordan February 03, 2022 - 02:01 PM

Photo credit: Rep. Loren Legarda/Facebook

Sa halip na importasyon ng mga isda, inihayag ni House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda na dapat mabilis ang pagbibigay ng ayuda at kagamitan para sa kabuhayan ng mga mangingisda sa Pilipinas.

Kasabay ito ng paghahain ng mambabatas ng House Resolution No. 2472 para imbestigahan at rebyuhin ang mga umiiral na patakaran ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ukol sa pagtaas ng antas ng fish importation mula sa China at ang patuloy na pagbulusok sa estado ng kabuhayan sa bansa.

Tiniyak ng three-term senator ang pagbibigay ng ayuda sa fisheries sector ng probinsya sa pagpapatayo ng community fish landing centers, pagbibigay ng mga bangka at mga kagamitan para sa mas maayos at epektibong pangingisda.

Nais ni Legarda na mas iprayoridad ng mga ahensya ng gobyerno ang pagbibigay ng sustainable livelihood programs sa mga mangingisda, lalo na ang mga nasalanta ng bagyong Odette.

Kabilang dito ang DTI-shared services facilities at iba pang tulong pinansyal.

Dapat aniyang magpatupad ang gobyerno ng mga polisiya na magbabalanse sa pangangailangan sa food security habang pinoprotektahan ang mga mahihirap na umaasa sa pangingisda.

Nilinaw ni Legarda na ang Pilipinas ay ika-lima sa mga bansang may pinakamahabang coastline sa buong mundo at may pinakamalaking rich bio-marine diversity.

Ani Legarda, hindi niya lubos-maisip kung bakit ang sagot ng DA-BFAR ay importasyon ng mga isda na tahasang paglabag sa Administrative Order No. 195 of 1999.

TAGS: BFAR, DA, FishImportation, InquirerNews, LorenLegarda, RadyoInquirerNews, BFAR, DA, FishImportation, InquirerNews, LorenLegarda, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.