Luxury car inabandonang umaandar ang makina sa Maynila

By Chona Yu February 03, 2022 - 09:52 AM

CHONA YU / RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Pipilitin ng mga imbestigador na malaman ang misteryo ng luxury car na inabandona sa Malate, Maynila kaninang madaling araw.

 

Base sa paunang impormasyon mula sa MPD – Scene of the Crime Operatives (SOCO) alas-4 nang mapansin ng mga barangay tanod ang BMW na may plakang NDE – 5943 sa harapan ng Aristocrat Restaurant.

 

Itinawag na sa mga awtoridad ang sasakyan dahil umaandar ang makina, basag ang harapang salamin at may gasgas sa bumber.

 

Bukas din ang audio system, gayundin ang dashcam, na inaalam na kung maaring magbigay kasagutan sa misteryo ng sasakyan.

 

Gayundin, kumuha na rin ang SOCO ng kopya ng CCTV footage mula sa barangay para makakuha ng karagdagang impormasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.