Mga ospital, laboratoryo pinaalahanan sa tamang pagtatapon ng medical wastes

By Jan Escosio February 02, 2022 - 10:34 PM

May mga regulasyon para sa tamang paraan ng pagtatapon ng medical wastes.

Ito ang ginawang paalala ng Department of Health (DOH) sa mga ospital, laboratory, gayundin sa mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ni DOH spokesperson Ma. Rosario Vergeire na kung basta-basta na lamang itatapon ang medical wastes maaring maging sanhi pa ito ng pagkalat ng mga sakit.

“Meron tayong mga batas na sumasaklaw sa mga ganitong violations, merin ding polisiya to guide you on what you are supposed to do regarding these medical wastes,” paalala pa ni Vergeire.

Una nang napa-ulat na piyong bata sa Catanduanes ang nagkaroon ng COVID 19 matapos paglaruan ang medical waste.

Sinabi na rin ng World Health Organization (WHO) na libo-libong tonelada ng medical wastes na ginamit sa pagtugon sa pandemya dulot ng COVID 19 ang naging problema pa sa healt care waste management systems sa buong mundo at nagiging banta hindi lamang sa kalusugan ng mga tao, kundi maging sa kalikasan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.