De Lima: Progreso ng bansa nakasandig sa maayos na sistemang pang-transportasyon

By Jan Escosio February 02, 2022 - 10:11 PM

Daan sa pag-unlad ng bansa ang maayos na sistemang pang-transportasyon, ayon kay Senator Leila de Lima, kayat na dapat na bigyan solusyon ng kasalukuyan at susunod na administrasyon ang mga isyu sa sektor.

Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Social Justice na kapag maayos at maasahan ang pampublikong transportasyon masusuportahan ang lokal na ekonomiya.

“Crisis or not, our government should ensure that people, both in rural and urban areas, have access to reliablem efficient and safe public transportation,” sabi pa nito.

Aniya mayorya ng mga Filipino ang walang sariling sasakyan at kulang ang budget para sa mas komportableng public transport kayat nakikipag-patintero araw-araw sa mga kapwa nila komyuter.

Nabanggit din nito na sa Metro Manila, kinakailangan na maagang bumiyahe ang publiko para maka-iwas sa hirap na pagsakay at traffic, samantalang sa ilang probinsiya may mga hindi pa nakakatikim ng pampublikong transportasyon.

“Dahil walang masakyan, may mga ina, ama, guro at estudyante sa kanayunan ang kailangan munang maglakad ng kilo-kilometro sa ilalim ng tirik na araw o kaya naman sa putikan kapag tag-ulan, marating lamang ang kanilang destinasyon,” ayon pa sa reelectionist na senadora.

Ngayon pandemya mas lalong nahirapan aniya ang mga mananakay dahil sa limitadong transportasyon kayat dapat ang susunod na administrasyon ay mapapagbuti ang biyahe sa pamamagitan ng mga pampublikong sasakyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.