Bar takers pinayuhan ituloy ang self-isolation hanggang sa Bar exams

Kahit negatibo sa COVID 19, pinayuhan ang Bar candidates na ipagpatuloy lamang ang kanilang self-isolation sa bahay bago ang kanilang pagsusulit para maging ganap na mga abogado.

Una nang inanunsiyo ng Korte Suprema na ang mga fully vaccinated candidates ay kinakailangan pa rin magkaroon ng negatibong resulta ng antigen test bago ang Bar exams para matiyak na walang mangyayaring hawaan sa mga naitalagang examination venues.

Sinabi pa ng Korte Suprema na hindi makakakuha ng Bar exams ang mga magiging positibo ang resulta sa COVID 19 test.

“Dear Bar Examinees: For those who tested COVID negative, kindly continue to isolate and quarantine. The test was for you. Isolating until you finish the exam is for others,” ang bilin ni Bar chairperson at Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Ibinahagi pa nito na may mga nag-positibo na mga kukuha ng Bar exams.

Ang 2020/ 2021 Bar exams ay itinakda sa darating na Pebrero 4 at 6.

Read more...