Expansion ng face-to-face classes binigyan ‘go signal’ ni Sec. Leonor Briones

DEPED PHOTO

Binigyan awtorisasyon ni Education Secretary Leonor Briones ang kanyang regional directors na simulan na ang ‘progressive phase’ ng ikinakasang limited face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Epektibo pa rin ang pinaiiral na ‘protocols and standards’ na nakapaloob sa DepEd-DOH Joint Memorandum Circular 001 series 2021 hanggang hindi pa nakakapagpalabas ng revised joint memorandum.

Sa expansion phase, kinakailangan na naberipika ng ‘compliant’ ang mga nagbukas na paaralan gamit ang School Safety Assessment Tool (SSAT) bukod pa ang mga ito ay nasa mga lugar kung saan umiiral ang Alert Levels 1 at 2.

Bukod dito, maari na rin magkaroon ng limitadong face-to-face classes sa iba pang grade levels base sa kapasidad ng paaralan.

Ang pagpasok naman ng mga karagdagang estudyante ay kailangan ay may pagsang-ayon ng mga lokal na opisyal hanggang sa barangay, gayundin ay may pagpayag ng mga magulang.

Tanging mga fully vaccinated teachers lamang din ang maaring magturo sa harap ng kanilang mga estudyante.

Sa ngayon ay walang pasok ang mga mag-aaral dahil sa ‘mid year break’ hanggang sa Pebrero 5.

Read more...