Sen. Win Gatchalian may resign call kina Cusi, DOE officials dahil sa Malampaya sale

By Jan Escosio February 02, 2022 - 06:43 PM

SENATE PRIB PHOTO

Nanawagan si Senator Win Gatchalian kay Energy Secretary Alfonso Cusi at sa iba pang opisyal ng Department of Energy (DOE) na magbitiw na sa kanilang puwesto dahil sa mga paglabag sa mga batas kaugnay sa pagbenta ng share ng Chevron sa Malampaya gas field.

Sinabi pa ni Gatchalian na dahil sa minadali ni Cusi at energy officials ang bentahan, maaring ipagharap ang mga ito ng mga kasong kriminal at administratibo.

Sa kanyang privilege speech, inilitanya ni Gatchalian ang mga paglabag sa batas ng mga opisyal sa pag-apruba sa pagbenta ng 45 porsiyentong interes ng Chevron sa Malampaya gas field sa UC Malampaya.

Nabunyag na nabili ng Udenna ang Chevron shares ng $565 million sa kabila ng pagkakaroon ng negative $137 million working capital.

Kayat diin ng namumuno sa Senate Committee on Energy na maaring kasuhan sina Cusi dahil sa gross neglect of duty, grave misconduct, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

“Ako ay nanawagan kay Secretary Cusi at kanyang mga subordinates na magbitiw na sa pwesto sa lalong madaling panahon. Matapos ang lahat ng nangyari, hindi na kayo mapagkakatiwalaan pa ng sambayanang Pilipino dahil hindi kayo naging tapat sa pangangalaga ng kaisa-isang pinagkukunan ng bansa ng natural gas,” diin ni Gatchalian sa kanyang panawagan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.