Pilipinas, nakapagtala ng 23,392 na bagong COVID-19 recoveries
Nasa 7,661 ang napaulat na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Miyerkules ng hapon (February 2), pumalo na sa 3,577,298 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 160,297 o 4.5 porsyento ang aktibong kaso.
5,575 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 149,829 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,056 ang moderate, 1,521 ang severe, habang 316 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 43 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 54,097 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 23,392 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,362,904 o 94.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.