Ikalawang bugso ng libreng random antigen testing sa MRT-3, isinagawa

DOTr MRT-3 photo

Sinimulan na ang ikalawang bugso ng libreng random antigen testing sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), araw ng Miyerkules (February 2).

Bahagi ito ng aktibidad ng pamunuan ng MRT-3 para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at kawani laban sa COVID-19.

Libreng isinasailalim sa random antigen testing ang mga boluntaryong pasahero sa mga istasyon ng North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard, at Taft Avenue tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 hanggang 9:00 ng umaga, at mula 5:00 hanggang 6:00 ng gabi.

Kailangan lamang punan ng mga pasahero ang ibibigay na consent form.

Sinumang pasahero na sasailalim sa random antigen testing ay libreng makakasakay sa nasabing linya ng tren basta’t negatibo ang resulta nito.

Kapag positibo naman ang lumabas na resulta, hindi pasasakayin ng tren ang pasahero at aabisuhang mag-self isolate at makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa health monitoring at confirmatory RT-PCR testing.

Read more...