Bagong price cap sa self-administered COVID-19 test kit, target ng DOH na mailabas ngayong linggo
Target ng Department of Health (DOH) na mailabas ang bagong price cap sa self-administered COVID-19 test kits na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ngayong linggo.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, sa gitna ng umiiral na public health emergency sa bansa, nasa P960 ang price cap sa antigen test kit.
Hiwalay aniya ang price cap para sa self-administered test kit.
“Pareho silang may price cap. Depende rin kung saan gagawin at kung saan bibilhin. Kung retail, ang price cap would include a certain amount. Kapag ito ay ginawa sa isang laboratoryo, medyo may pagtataas because there’s operational cost,”
Wala naman aniyang itinakdang limitasyon kung ilang self-test kit lamang ang maaring bilhin ng isang indibiduwal.
“Ang atin pong regulation for the hoarding, ‘yung pagmo-monitor po ng ating Food and Drug Administration at ng DOH. Kapag nakita na natin na mukhang may mga nagho-hoard o mukhang nauubusan ng access ang ibang tao, saka po tayo gumagawa ng paraan,” dagdag nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.