Naitatalang kaso ng COVID-19 sa Visayas, bumababa na – OCTA

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Unti-unti nang bumababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Visayas, ayon sa OCTA Research.

“Downward trends observed in Bacolod, Cebu City, Iloilo City, Lapu-lapu, Mandaue, Ormoc at Tacloban,” saad ni OCTA Research fellow Guido David sa Twitter.

Sa datos hanggang February 1, nasa ‘high risk’ ang Lapu-lapu, Ormoc at Tacloban habang ‘very high risk’ naman ang Bacolod, Cebu City, Iloilo City at Mandaue.

Base sa ibinahagi pa nitong datos, nakapagtala ang Bacolod ng -23 percent one-week growth rate sa mga kaso.

Nakapagtala naman ng -46 percent ang Cebu City, -37 percent ang Iloilo City, -34 percent ang Lapu-lapu, -37 percent ang Mandaue, at -34 percent ang Ormoc, habang -55 percent naman sa Tacloban.

Samantala, nasa 1.38 naman ang reproduction number sa Bacolod, 1.16 sa Cebu City, 1.27 sa Iloilo City, 1.19 sa Lapu-lapu, 1.28 sa Mandaue, 1.15 sa Ormoc, at 0.72 sa Tacloban.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang February 1, nasa 176,053 pa ang bilang ng aktibong kaso sa Pilipinas.

Read more...