Ilang kalsada, sarado sa Maynila para sa Bar exams

By Angellic Jordan February 02, 2022 - 09:54 AM

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ang Manila Police District (MPD) ng road closures sa bisinidad ng tatlong unibersidad sa lungsodmpara sa 2020/21 Bar Examination sa February 4 at 6.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi muna papayagang dumaan ang mga motorista sa ilang kalsada simula 12:00 ng madaling-araw.

Inabisuhan ang mga motorista na dumaan sa ibang alternatibong ruta:

A. University of Santo Tomas (UST)
– Westbound lane ng España Blvd. mula Lacson Ave. hanggang P. Noval
RE-ROUTING:
– Lahat ng sasakyan na balak dumaan sa westbound lane ng España ay maaring kumanan sa A.H Lacson, kaliwa sa Dapitan o kaliwa sa A. Mendoza patungo sa destinasyon
– Lahat naman ng sasakyan mula sa southbound ng A.H Lacson Ave. ay maaring dumeretso sa Nagtahan patungo sa destinasyon

B. Far Eastern University (FEU)
– Westbound lane ng N. Reyes St. mula España Blvd. hanggang CM Recto Ave.
RE-ROUTING:
– Lahat ng sasakyan mula sa España Blvd. na plano sanang dumaan sa westbound lane ng N. Reyes ay dapat kumanan sa P. Campa St., kaliwa sa A. Mendoza papunta sa CM Recto patungo sa destinasyon.

C. De La Salle University (DLSU)
– Southbound lane ng Taft Ave. mula Quirino Ave. hanggang Estrada St.
RE-ROUTING:
– Lahat ng sasakyan sa southbound lane ng Taft Ave. na patungo sa Makati/Pasay area ay maaring kumanan sa Quirino Ave., at kaliwa sa Adriatico patungo sa P. Ocampo
– Ang mga sasakyan na patungo sa eastbound ng Quirino Ave. na balak dumaan sa southbound lane ng Taft Ave. patungo sa Makati/Pasay area ay maaring kumanan sa L. Guinto St., kanan sa Estrada St., at kaliwa sa Taft Ave.

Ipatutupad din ang ‘stop and go’ traffic scheme sa España Blvd., N. Reyes St., at Taft Ave. sa kasagsagan ng drop-off ng Bar examinees.

Ipagbabawal rin ang pagparada sa bisinidad ng mga venue bago at sa kasagsagan ng eksaminasyon.

Ayon pa sa MMDA, magbabase sa aktuwal na lagay ng trapiko ang aktuwal na oras ng pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada.

TAGS: BarExams, InquirerNews, mmda, RadyoInquirerNews, trafficadvisory, BarExams, InquirerNews, mmda, RadyoInquirerNews, trafficadvisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.