Bilang ng nasawi bunsod ng COVID-19, higit 5.70 milyon na

Reuters photo

Mahigit 5.70 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,704,094 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 913,902.

Sumunod na rito ang Brazil na may 628,132 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 497,996 naman ang death toll sa India habang 332,012 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 306,091
– Peru – 205,834
– United Kingdom – 155,973
– Italy – 146,925
– Indonesia – 144,348
– Colombia – 134,551
– Iran – 132,504
– France – 131,312
– Argentina – 121,513
– Germany – 118,709
– Poland – 105,434
– Ukraine – 100,395

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 381,784,553 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 301,563,254 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...