48 na pulis magsisilbing BEIs sa special elections sa Sulu

By Len Montaño May 13, 2016 - 05:09 PM

PNP promotion
File Photo/Roselyn Saludes

Apatnapu’t walong miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang magsisilbing Special Board of Inspectors (SBEIS) sa isasagawang special election sa lalawigan ng Sulu.

Ayon kay Sulu Comelec Election Officer Shariff Ututalum, ang pagtatalaga ng mga pulis bilang SBEIs ay kasunod ng pagdeklara ng failure of election sa dalawampung barangay sa probinsya.

Sampu sa mga barangay na may failure of election ay nasa nunisipalidad ng Panglima Estino kung saan naitala ang isang insidente ng ambush noong araw ng eleksyon.

Samantalang ang natitirang sampu pang barangay sa lugar ay may presensya ng mga armadong grupo.

Dagdag ni Ututalum, papayagan nilang magdala ang mga pulis ng kanilang mga issued firearms habang nagsisilbing SBEIS.

Hihigpitan din ang seguridad sa nasabing mga barangay sa special election sa May 14 araw ng Sabado at katuwang nila ang mga sundalo para hindi na maantala ang eleksyon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.