DPWH may road reblocking sa Quezon City ngayong weekend

File PhotoMagsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang pangunahing lansangan sa Quezon City.

Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) magsisimula ang road repairs ng DPWH mamayang alas 10:00 ng gabi hanggang sa Lunes, May 16 alas 5:00 ng umaga.

Apektado ng road repairs ang sumusunod na kalsada:

– Commonwealth Avenue sa harap ng Commonwealth Market hanggang San Simon (2nd lane mula sa center island), at ang harap ng St. Peter Chapel hanggang sa COA (2nd lane mula sa center island)
– Quirino Highway malapit sa Lamesa Dam Gate hanggang Chowking (3rd lane)
– A. Bonifacio malapit sa Calavite Intersection (3rd lane)
– Mindanao Avenue mula sa North Avenue hanggang sa Vogavilla Street (2nd lane from island)
– Congressional Avenue Extension mula sa Visayas Avenue hanggangt Tandang Sora Avenue (eastbound)

Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga kalsada.

 

Read more...