Contact tracers sa Baguio City hirap dahil sa Omicron variant

By Jan Escosio January 28, 2022 - 06:53 PM

Inamin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na labis-labis ang hirap ngayon ng mga contact tracers dahil sa dami ng naitatalang Omicron variant cases.

 

Sa isang public briefing, sinabi ni Magalong na isang dahilan kaya tambak ang trabaho ng contact tracers ay dahil sa hindi na pagkaka-renew ng serbisyo ng 16,000  contact tracers ng Department of the Interior and Local Government.

 

Dati, ayon sa alkalde, sa mga kasong sanhi ng Alpha, Beta, at Delta variants ay nasa 12 hanggang 15 ang hawak ng isang contact tracer, ngayon ay nasa 30 hanggang 40  kaso na dahil sa Omicron variant.

 

Nangangahulugan na labis-labis na ang hawak ng mga contact tracers.

 

Payo niya sa mga lokal na opisyal, patutukan na lamang sa contact tracer ang close contacts sa pamilya ng nadapuan ng COVID 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.