Metro Manila bumaba sa COVID 19 moderate risk classification
Ngayon ay nasa moderate risk classification na ng COVID 19 cases ang Kalakhang Maynila.
Ibinahagi ito ni Health USec. Ma. Rosario Vergeire matapos maitala ang 67% na pagbaba na ng mga bagong kaso sa NCR sa nakalipas na isang linggo.
Katumbas ito ng 4,398 seven day moving average para sa arawang kaso, kumpara sa nagdaang linggo na naitala sa 13, 298.
.
Ayon pa sa opisyal mababa na ang kaso pati na sa ilang probinsya.
Ang patuloy aniya nilang binabantayan ngayon ay ang Visayas at Mindanao na nakitaan ng pagtaas ng mga kaso na pinaniniwalaang dahil sa Omicron variant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.