Pagluluwag sa tourist entry sa Pilipinas dinipensahan ng DOH

Binigyan katuwiran ng Department of Health (DOH) ang pagpayag na ng gobyerno na tumanggap na o magpapasok ng mga dayuhan sa Pilipinas.

 

Sinabi ni DOH spokesperson, Dr. Ma. Rosario Vergeire, base sa pag aaral ng Inter Agency Task Force on COVID 19 variants, naobserbahan na ang mga returning overseas Filipinos na taglay ang Omicron variant ay wala namang nagging forward transmission o hindi galling sa kanila ang nangyayari ngayong community transmission sa bansa.

 

Mababa rin aniya ang kaso o insidente na nagpo positibo ang mga ROFs.Lumalabas din na mas mataas na ang transmission o hawahan sa mismong mga komunidad kesa ang mga galling sa ibang bansa.

 

Kaya inirekomenda aniya ng mga eksperto na luwagan na ang mga restrictions sa pagtanggap ng mga traveler o biyahero galling sa ibang mga bansa kabilang na ang mga dayuhang turista.

 

Sinabi ni Vergeire na hindi naman kailangang mag alala dahil tapos na tayo sa unang yugto ng four-door policy o ang border control dahil nakapasok na sa bansa ang Omicron variant.

Sa ngayon, dagdag pa ng opisyal, ang mga lokal na pamahalaan na ang magbabantay sa mga nagbalik-Pilipinas na Filipino sa loob ng 14 araw.

Read more...